Personal na humarap si Sen. Robin Padilla sa Department of Justice (DOJ) nitong Biyernes, Setyembre 25 para sa preliminary investigation kaugnay ng reklamong obstruction of justice laban sa kanya.
Ang reklamo ay inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group dahil sa umano’y pagtulong ni Padilla at iba pa kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na makaiwas sa pag-aresto noong Mayo.
May kaugnayan ang kaso sa pag-alis ni Dela Rosa sa Senado noong Mayo 14 matapos maglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court laban sa kanya.
Nauna nang sinabi ni Padilla na hindi niya tinulungan si Dela Rosa na tumakas at ang senador umano ay nakisabay lamang sa kanyang sasakyan palabas ng Senado. (IS)


