Maghahain ng petition for bail si dating House Speaker Martin Romualdez sa Lunes, Setyembre 28 kaugnay ng kinakaharap niyang P7.44 bilyong plunder case.
Itinakda ng Sandiganbayan Third Division ang pagdinig sa kanyang petition for bail mula Oktubre 12 hanggang Nobyembre 12.
Inaasahang maghahain ang prosekusyon ng 23 testigo habang hanggang apat na testigo naman ang posibleng iharap ng panig ng depensa.
Nitong Biyernes, Setyembre 25 dumalo si Romualdez sa pretrial hearing sa pamamagitan ng videoconference mula sa Quezon City Jail sa Payatas. (IS)


