WebClick Tracer

PNP nagpatupad ng balasahan sa 8 matataas na opisyal

Nagkaroon ng balasahan sa walong matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP), epektibo ngayong Biyernes, Setyembre 25, kasunod ng pagreretiro ni PLt. Gen. Bernard Banac bilang number 2 man ng PNP.

Papalit kay Banac sa iiwanang puwesto bilang The Deputy Chief for Administration (TDCA) si PLt. Gen. Wilson Joseph Lopez, habang si PLt. Gen. Jose Neri Ignacio, ay itatalaga naman bilang OIC ng The Deputy Chief PNP for Operation o number 3 man ng PNP, mula Director ng PNP Academy ay aakyat bilang number 4 man o The Chief of the Directors Staff si PMaj. Gen. Redrico Maranan.

Itinalagang OIC naman ng PNPA si PBrig. Gen. Ericson Dilag habang si PBrig. Gen. Leon Victor Rosete mula PRO-11 Director ay itinalaga bilang OIC ng Directorate for Information and Communications Technology Management (DICTM).

Si PBrig. Gen. Froilan Navarroza ang itinalaga bilang acting Deputy Director for Comptrollership (DDC), habang si PBrig. Gen. Benigno Leunod Guzman ang itinalaga bilang Acting Regional Director ng PRO-11.

Si PCol. Ranie Hachuela ang itinalagang acting Director ng Police Security and Protection Group PSPG). (Edwin Balasa)