WebClick Tracer

PCSO GM Robles ginawaran ng PCG Auxiliary Merit Medal

Ginawaran ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) Merit Medal and Ribbon si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Melquiades “Mel” Robles.

Ipinagkaloob ang parangal noong Huwebes, Setyembre 24 sa seremonya na ginanap sa PCG headquarters sa Maynila.

Kinilala si Robles dahil sa kanyang boluntaryong serbisyo, malasakit at dedikasyon sa public service.

Si Robles ay isang auxiliary commodore ng PCGA at pinasalamatan sa kanyang mga naging kontribusyon sa kapakanan ng mga tauhan ng PCG at sa patuloy na serbisyo sa publiko.

Ayon sa PCG, nakatulong ang patuloy na suporta ni Robles upang mabawasan ang mga pasanin ng Coast Guard personnel at mapalakas ang kanilang moral habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin.

Nagpasalamat naman si Robles sa PCG sa kanilang partnership sa PCSO sa humanitarian at charitable activities.

Aniya, pinatibay ng pagkilala ang kanyang determinasyong ipagpatuloy ang kanilang pagtutulungan.

Saad pa ni Robles, parehong layunin ng PCSO at PCG ang pagseserbisyo at pagtulong sa mga Pilipino, lalo na sa panahon ng matinding pangangailangan. (IS)