WebClick Tracer

Parcel na may P3.15M raw ecstasy mula Canada nasabat ng BOC, PDEA

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang humigit-kumulang 743 gramo ng hinihinalang raw ecstasy na tinatayang nagkakahalaga ng P3.15 milyon sa Central Mail Exchange Center sa Pasay nitong Setyembre 25.

Naaresto rin ang claimant na nagtungo sa EMS Window para kunin ang naturang parcel.

Ayon sa BOC, dumating sa bansa mula Canada ang parcel noong Setyembre 15.

Idineklarang naglalaman ito ng mga bag at backpack, damit pambata, tsokolate at confectionery, laruan, supplements, footwear, sapatos at tsinelas.

Nang suriin ng mga tauhan ng ahensiya, nadiskubre ang hinihinalang ilegal na droga na nakatago sa loob nito.