Nagpapapansin at gusto lang umanong sumikat ni Atty. Paolo Panelo kaya hindi na umano ito pinatulan ni prosecutor at Manila Rep. Joel Chua.
“Hayaan na natin. Gustong sumikat eh. Nagpapapansin lang yun,” ani Chua sa press conference nitong biyernes matapos hingan ng reaksyon sa pahayag ni Panelo na “lokohan na itong nangyayari” sa desisyon ng impeachment court sa pagpapababa sa conviction threshold.
Si Panelo ay anak ng dating presidential counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Salvador Panelo na regular na dumadalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Itinalaga ito bilang bagong spokesman ni Vice President Sara Duterte kung saan tulad ng mga supporter ng kanyang amo ay hindi nagustuhan ang naging desisyon ng Impeachment Court na ibase ang 2/3 votes sa bilang ng mga senador na regular na dumadalo sa paglilitis.
“Lokohan lang ito. Lokohan na itong nangyayari,” ani Panelo kaya inaakyat sa Korte Suprema ang usapin na nangyari na dahil sa petisyon na inihain ng mga kaalyado ni Duterte sa pangunguna ni Atty. Vic Rodriguez. (Bernard Taguinod)


