Tagumpay umano sa hustisya ang ipinagkaloob ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na absolute pardon kay Mary Jane Veloso matapos ang 15 taong pagdurusa sa kasalanang hindi nito nagawa.
“Ikinagagalak natin ang pagkakaloob ng absolute pardon kay Mary Jane Veloso. It is not only the right decision. It is also a triumph of justice,” ani Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña.
Si Veloso ay biktima na biktima umano ng human trafficking ay nahuli sa Indonesia noong 2010 matapos matuklasan na naglalaman ng droga ang kanyang bahagi na ipinadala sa kanya ng kanyang mga recruiter.
Unang nasentensyahan ito ng parusang kamatayan subalit napigil ito ni dating Pangulong Benigno “Ninoy” Aquino III hanggang sa ilipat ito sa kustodiya ng Pilipinas noong December 2024 at matapos ang halos isang taon na pagkakakulong sa Pasig City Jail ay tuluyan na itong pinagkalooban ng absolute pardon.
“Nakikiisa tayo sa pamilya Veloso sa kanilang pagdiriwang. Sa dulo ng kanilang mahabang paghihintay, sa wakas makakauwi na si Mary Jane. Kasabay nito, kinikilala natin ang halos 15 taong pakikibaka ng mga OFW groups, migrant rights advocates, at mga Pilipinong walang sawang nanindigan para mailigtas siya mula sa death row,” ani Cendaña. (Bernard Taguinod)


