WebClick Tracer

Paglahok ni Legarda sa impeachment trial nakadepende sa kondisyon ng kalusugan – spox

Nakadepende umano sa kondisyon ng kalusugan ni Senadora Loren Legarda kung makababalik siya at makikilahok sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Inihayag ito ng kanyang spokesperson na si Atty. Tony La Viña sa panayam ni Pinky Webb sa programang “On Point” ng Bilyonaryo News Channel.

Matatandaan na kasalukuyan pa ring nasa France si Legard, na nagsumite ng medical leave hanggang Oktubre.

Ayon kay La Viña, seryoso ang kondisyon ng senadora dahil sa kanyang autoimmune diseas na may kaugnayan sa kanyang baga.

“It’s serious, I think. It’s serious. And especially, my understanding also is when you’re faced with stress, fatigue and all of that, it flares up even more,” anang abogado.

Gayunman, nilinaw ni La Viña na hindi niya personal na nakita ang medical certificate ni Legarda at ang ilan sa kanyang nalalaman tungkol sa kondisyon ng senador ay batay sa mga narinig niya mula sa ibang senador.

“In relation to the lungs, yeah. But I’m not really sure because I don’t see the medical certificate,” saad niya.

Inihayag naman ni La Viña na nais ni Legarda na makabalik sa trabaho at maipagpatuloy ang kanyang mga adbokasiya, kahit hindi lamang para sa impeachment trial.

“She wants to go back. Not for the impeachment trial necessarily, but for her advocacies,” ani La Viña.

Samantala, hindi rin malinaw kay La Viña kung maaari pang bumoto si Legarda sa impeachment trial sakaling makabalik siya.

“It depends on her medical condition, right? So, whether she could come back or not,” pahayag ng abogado.

Ayon sa kanya, nananatiling may kalituhan sa naging desisyon ng Senate impeachment court tungkol sa paglahok ng isang senador na matagal na hindi nakadalo.

“It’s also confusing what the decision is, whether or not… She took the oath as a judge, that’s not a problem… But she hasn’t participated for three weeks now, right? So, when she comes, can she actually vote, if you just like for the voting? I don’t know,” ani La Viña.

Panoorin ang buong panayam kay La Viña sa September 24 episode ng “On Point”.

Maaari namang abangan ang programa tuwing Lunes hanggang Biyernes, 7:30 ng gabi, sa Free TV Ch. 31, Cignal Ch. 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TVs, Blast TV, AmasianTV, Cignal Play, BNC YouTube at Facebook.