WebClick Tracer

P510K hinihinalang tobats nasabat sa Valenzuela buy-bust

Arestado ang isang babae sa isinagawang buy-bust operation ng Valenzuela City Police Station sa Barangay Malinta.

Isang police poseur buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek at nakipagkasundo na makipagkita sa Malinta upang doon isagawa ang transaksyon.

Nasamsam sa operasyon ang humigit-kumulang 75 grams ng hinihinalang tobats na tinatayang nagkakahalaga ng P510,000.

Patuloy naman ang operasyon ng pulisya kontra ilegal na droga, habang hinihikayat ang publiko na i-report sa awtoridad ang anumang impormasyong may kaugnayan sa ilegal na aktibidad upang makatulong sa pagpapanatili ng seguridad sa komunidad. (Cherk Balagtas)