Ginisa ni Senadora Imee Marcos si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa gitna ng pagdinig ng Senate Finance Committee sa panukalang 2027 budget ng ahensiya.
Ginawa ng senadora ang pagkuwestiyon dahil nagpaso na ang holdover capacity ni Dizon bilang kalihim ng ahensiya matapos itong ma-reappoint noong Setyembre 1, 2025.
Sa ilalim ng Section 17, Book 3 ng Administrative Code of 1987, ayonnkay Marcos, malinaw na isang taon lang ang limit sa paggamit ng acting appointments upang hindi maabuso na hindi na dumaan sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments.
“In your case, since your appointment was only acting in the first place, did you even have a fixed term? Wala, di ba? Kasi acting. So bale, overacting na,” sabi ni Marcos.
“The one-year period under the Admin Code was merely the maximum. It’s not the term of office for an acting officer. Acting na, holdover pa. Papano ba ito?” dagdag pa niya.
Sabi naman ni Dizon, kokonsultahin niya tanggapan ng Pangulon tungkol dito si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos naman ang kanyang appointing authority.
“I will have to again consult with the Office of the President, because at the end of the day, they are the appointing authority on this,” ayon sa kalihim. (Dindo Matining)


