WebClick Tracer

NBI itinangging sinalakay bahay ni ex-House Speaker Lord Velasco

Mariing itinanggi ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ulat na sinalakay umano nito ang bahay ni dating House Speaker Lord Allan Velasco.

Kaugnay ito ng Facebook post ni Mike Romero na nagsabing: “The home of former House Speaker Lord Velasco was raided by the NBI now. Phil kaya parin ba?”

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, “negative” o walang katotohanan ang naturang ulat.

Si Romero ay isang online content creator mula sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Inaresto siya ng NBI noong Oktubre 7, 2025 para sa inciting to sedition.

Nag-ugat ang pag-aresto sa Facebook post niya na may caption na “Headshot”, kung saan nakaturo ang pulang arrow sa ulo ni Pangulong Bongbong Marcos. (IS)