WebClick Tracer

Mary Jane Veloso laya na

Opisyal nang nakalaya si Mary Jane Veloso mula sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City nitong Biyernes ng gabi, Setyembre 25 matapos siyang makatanggap ng clearance order mula sa Bureau of Corrections.

Kasunod ito ng absolute pardon na ipinagkaloob sa kanya ni Pangulong Bongbong Marcos na nilagdaan noong Setyembre 24.

Bago tuluyang nakalabas ng kulungan, ipinakita ni Veloso sa media ang dokumento ng kanyang absolute pardon.

Nagpasalamat siya kay Marcos dahil sa pagkakaloob ng pardon at sa pagkakataong makabalik sa kanyang pamilya.

Inilipat si Veloso sa kustodiya ng Pilipinas noong Disyembre 2024 matapos ang ilang taong pagkakakulong sa Indonesia, kung saan nahatulan siya ng kamatayan dahil sa kasong drug trafficking.

Nakatakda sana siyang i-firing squad sa Indonesia noong 2015 ngunit nasuspinde matapos maaresto ang babaeng umano’y nag-recruit sa kanya. Tumayong testigo si Veloso sa isinagawang paglilitis. (IS)