WebClick Tracer

Mark Villar mananatili pa rin sa minority bloc – Cayetano

Kabilang pa rin sa Senate minority group si Senador Mark Villar.

Ito ang sinabi ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Biyernes, Setyembre 25 kahit bumoto si Villar ng “yes” sa mosyon para baguhin ang batayan sa voting threshold sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

“He’s staying with the minority,” pahayag ni Cayetano sa mga reporter sa ambush interview.

Nang tanungin kung solid pa rin ang minorya sa kabila ng boto ni Villar sa voting threshold, sinabi ni Cayetano na, “Working at wala namang animosity ang pitong nandito sa minority. Of course, we long na mabuo pa rin yung 11, but yun nga, four of our colleagues are facing different challenges.”

Sabi pa ni Cayetano, bagama’t nagkakausap naman sila kapag naka-break ang impeachment trial, hindi naman aniya nila napapag-usapan kung magiging sama-sama ang kanilang magiging boto sa magiging hatol sa bise presidente.

“In the impeachment court, to be very honest sa inyo, of course, we still have lunch together, minsan with everyone, minsan kami lang. We talk about legislation sometimes during the break, but walang minority majority pagdating sa impeachment court,” ani Cayetano.

“So, kung meron man tanungan, more of kapaan, pero wala kaming parang, oh, anong boto natin dito sama-sama? Minsan may tanong na, anong tingin mo sa legal na to? O tama ba to? Diba? Because nga, hindi naman lahat ay abogado. That’s why nga, the amicus curé, diba, swayed some and did not sway the others,” sambit pa niya. (Dindo Matining)