WebClick Tracer

Malacañang igagalang anumang desisyon ng SC sa impeachment voting threshold

Igagalang ng Malacañang anuman ang magiging desisyon ng Korte Suprema sa inihaing petition for certiorari kaugnay sa kinukuwestiyong voting threshold kapag nagbotohan na sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Ito ang tugon ng Malacañang makaraang maghain ng petition for certiorari sa Korte Suprema si dating Executive Secreyary Victor Rodtiguez para ideklarang null and void ang Senate ruling at humiling din ng Temporary Restraining Order (TRO) at Writ of Preliminary Injunction para mapatigil ang impelentasyon ng bagong patakaran sa pagboto.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, hindi partido ang ehekutibo sa isyu at kung ano man a g magiging desisyon ng kataas-taasang hukuman ay daoat na sinusunod.

Sinabi ni Castro na nasa Korte Suprema ang bola kung aaksiyonan ang petisyon ni Rodriguez at kung maglabas man ng desisyon, dapat na ito ay igalang at tuparin ng mga partidong kumukuwestiyon sa naging desisyon ng Senate tribunal.

Ang bagong ruling sa voting threshold na pinagbotohan ng mga senador ay kinontra ng mga abogado at mga supporter ng Bise Presidente. (Aileen Taliping)