WebClick Tracer

Lea Salonga nakakasindak bilang manananggal

Si Broadway icon Lea Salonga pala ang naging voice actor para sa karakter na manananggal sa animated film na pinagbibidahan nina Liza Soberano at H.E.R. na palabas na ngayon sa mga sinehan.

Gustong-gusto nga ni Lea ang pagganap bilang si Manang, na nahahati ang katawan.

“She is a terrifying creature from Philippine folklore. Ang here’s a thing about manananggal – she can separate,” pagpapakilala pa ni Lea kung ano ang nilalang na kanyang binosesan.

Mapapakinggan nga ang boses ni Lea sa “Forgotten Island” dahil siya ang naging manananggal dito.

“I love her! I love that she’s terrifying!” wika pa ng Pinay na kauna-unahang nagkaroon ng star sa Hollywood Walk of Fame.

Pinasilip nga ng Dreamworks Animation ang ilang clips habang nagda-dub si Lea sa kanyang karakter, at feel na feel niyang manakot.

Mala-bruha rin nga ang kanyang paghalakhak, huh!

Say ng mga netizen:

“P*ta! Ang galing ni Lea!”

“Sobrang effective ng villain voice niya omg!”

“Finding out Lea Salonga plays the manananggal makes this even better omg.” (Jun Lopez)