WebClick Tracer

Jersey ni VMX star Zsara Laxamana nabenta ng P1M

Nabenta sa halagang P1 million ang volleyball jersey na isinuot ni VMX star Zsara Laxamana sa naganap na all-star event kamakailan. Pina-auction kasi ito ng sexy actress sa kanyang birthday event, at isang manonood ang nagpilit na makuha ito.

Nitong Setyembre 23 ay nagdaos ng kanyang special birthday concert sa Viva Café si Zsara. Inilabas niya roon ang isinuot niyang volleyball jersey na may number 18 na nakalagay na sa frame, at aniya’y hindi pa nga nalalabhan mula nang gamitin niya ito sa Viva All Star Games nitong Agosto sa Big Dome.

Ipina-auction niya ito sa mga um-aatend ng kanyang b-day concert.

Nawindang na si Zsara nang tumuntong na sa 400K ang bidding, ngunit mas lalo pa nga itong tumaas.

“Ako ‘yung nahihiya!” wika pa ni Zsara nang unti-unting tumaas ang price para sa jersey niya.

“Oh my God! One million pesos!” reaksyon na lang ni Zsara nang magtapos ang bidding nito sa ganoon kalaking halaga.

Nilapitan mismo ni Zsara ang taong nagtagumpay na mabili ang kanyang jersey.

“Sir, why do you want to buy my famous, ever, jersey shirt?” tanong ng aktres dito.

“One peso for every view,” tugon naman ng lalaki sa VMX star.

Hiniritan, biniro-biro pa nga ito ni Zsara, na dapat daw pala ay 100 million niya ito ibenta kaya kulang pa ang 1M.

Sobrang saya naman ng aktres na pumaldo siya nang gabing iyon, kaya naman lahat na nga ng freebies sa pagkakabenta niya rito ay in-offer niya sa nanalong bidder.

Willing siyang pirmahan pa ito, lagyan ng address, o lagyan ng kiss mark niya.

Ibibigay na rin daw niya ang palda na kapares ng jersey na iyon bilang pasasalamat sa lalaking bumili nito. (Jun Lopez)