WebClick Tracer

Gatchalian: Impeachment trial tuloy pa rin kahit kinuwestiyon sa SC ang voting threshold

Tuloy pa rin ang impeachment trial kahit na nagpetisyon sa Korte Suprema si dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez para ipawalang-bisa ang desisyon ng Senate impeachment court na nagbaba sa voting threshold para sa hatol kay Vice President Sara Duterte, ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian.

“Tuloy. Wala namang TRO so tuloy,” pahayag ni Gatchalian nang makapanayam ng mga reporter nitong Biyernes, Setyembre 25.

Nang tanungin kung matutuloy pa rin ang paglilitis sa susunod na linggo sakaling dumating ang defense panel, sinabi ni Gatchalian na, “Well, ang responsibility namin is to try and decide. So as long as meron kaming quorum, magta-try kami.”

Samantala, sinabi rin ni Gatchalian na wala naman siyang naririnig na hindi dadalo ang minority group sa kabila ng hindi pagsali sa botohan sa voting threshold noong Miyerkoles.

“Well, that is their own choice [kung hindi dumalo sa impeachment trial]. But like I said, ang trabaho namin under the Constitution is to try and decide.

“Wala naman akong naririnig na ganyan. In fact, mga members of the minority nandito sa budget, nasa Commission on Appointment, so wala naman akong naririnig na ganyan,” sambit pa niya. (Dindo Matining)