WebClick Tracer

Ex-figure skater Jada Kai pinasok adult film industry dahil sa kakulangan ng gov’t support sa sports

Inihayag ni porn actress Jada Kai na ang umano’y kakulangan ng suporta ng gobyerno sa kanyang career bilang atleta ang isa sa mga dahilan kung bakit siya pumasok sa adult film industry.

“I had joined the adult industry because of lack of government support,” pahayag ni Jada sa panayam ni Jigo Postolero sa programang “Jogo Live” ng Abante Radyo.

Inamin naman ni Jada na hindi niya mismo direktang sinabi noon ang naturang pahayag pero kalaunan ay napagtanto niyang maaaring tama nga ang ginawang headline tungkol sa kanya.

“Honestly I never spoke that quote out directly. But when I read that headline, I was like, ‘Wait, did they just put the puzzle pieces together for me?’” aniya.

Ipinunto pa ni Jada na kung nakatanggap umano siya ng sapat na suporta mula sa gobyerno noong aktibo pa siya sa skating, posibleng iba ang naging direksyon ng kanyang career.

“Because honestly, if I did have a lot of government support during my skating career, I probably wouldn’t be in this position today,” saad ng porn actress.

“I would not be doing the job that I chose. Like I wouldn’t be getting naked in the world wide web,” dagdag pa niya.

Panoorin ang buong panayam kay Jada sa September 23 episode ng “Jigo Live”.

Mapapanood ang programa tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 ng gabi, sa Abante News TV Live sa DWAR Abante Radyo Facebook, YouTube at Cignal Ch 30. (AM)