WebClick Tracer

Engelbert Humperdinck dumating na sa ‘Pinas

Dumating na sa Manila ang legendary British singer na si Engelbert Humperdinck noong Huwebes ng gabi, Setyembre 24.

Ito ay bago ang kanyang nakatakdang one-night concert na “The Legend Continues… The Celebration Tour 2026” ngayong Biyernes, Setyembre 25, sa New Frontier Theater sa Araneta City, Quezon City.

Sa kabila ng hirap sa paglalakad, personal na dumating sa bansa ang 90-anyos na singer para makipagkita at muling magtanghal para sa kanyang Pinoy fans.

Mahigit anim na dekada na ang career ni Humperdinck at nakapagbenta na siya ng higit 150 milyong records sa buong mundo.

Kabilang sa mga timeless hits na inaasahang itatanghal niya ang “Release Me”, “A Man Without Love”, “Quando Quando Quando”, “The Last Waltz”, at “Spanish Eyes”. (AM)