WebClick Tracer

Eldrew Yulo bronze agad sa unang sabak sa Asian Games

Tiniyak ni Eldrew Yulo na hindi malilimutan ang unang sabak niya sa Asian Games matapos sungkitin ang bronze medal sa men’s horizontal bar final nitong Biyernes sa Japan.

Ito ang kauna-unahan niyang Asian Games medal sa kanyang debut bilang senior gymnast.

Sa dikit na kompetisyon, nagawa ni Yulo na maitawid ang kanyang routine sa men’s horizontal bar final ng 2026 Asian Games at nakapagtala ng 13.666 na iskor.

Kapareho niya ng iskor si Milad Karimi ng Kazakhstan ngunit nanaig si Yulo para sa tansong medalya dahil mas mataas ang kanyang execution score na 8.566.

Marami sa mga gymnast sa final ang nahulog mula sa horizontal bar, kabilang si Karimi, na nauna nang nagwagi ng silver medal sa floor exercise.

Si Yulo ay nagawa namang maging malinis ang kanyang routine at nakumpleto ang kanyang performance para makuha ang kanyang unang medalya sa Asian Games. (IS)