WebClick Tracer

DOTr inaprubahan rekomendasyon sa dagdag-pasahe

Inaprubahan ng Department of Transportation (DOTr) ang rekomendasyon para sa adjustment o pagtaas ng pasahe sa mga pampublikong sasakyan nitong Setyembre 25.

Batay sa memorandum na nilagdaan ni Acting Secretary Atty. Giovanni Lopez para sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kabilang dito ang mga naunang desisyon noong Marso 2026 pati na ang provisional fare adjustment para sa mga UV Express at taxi services.

Inatasan ng DOTr ang LTFRB na siguruhing maayos na maipatupad ang mga bagong pasahe.

Kailangan ding ilagay ng mga drayber at operator ang tamang fare matrix sa kanilang mga sasakyan bago mangolekta ng bagong singil.

Ipinag-utos din ng ahensiya na manatiling ipatupad ang mandatory discount para sa mga estudyante, senior citizen at persons with disabilities o PWD pati na rin ang pagbabantay laban sa mga abusadong nagpapatong nang sobra sa pasahe o overcharging. (IS)