Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na walang “ghost” projects sa Taguig City sa deliberasyon ng panukalang 2027 budget ng ahensiya matapos tanungin ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.
“Meron bang ghost projects sa Taguig?” tanong ni Cayetano.
Tugon ni Dizon, “Sa aming imbestigasyon, wala po.”
Ayon kay DPWH Undersecretary Ricardo Bernabe III, may 107 proyekto ang ahensiya sa Taguig at lahat ay nakatapagtala ng “accomplishments.”
Tiniyak ng DPWH sa mga senador na bukas sa media at iba pang partido ang detalye ang kanilang imbestigasyon sa mga proyekto ng ahensiya sa Taguig.
“So klaro iyon ha,” sabi ni Cayetano matapos kumpirmahin ni Dizon na walang ghost projects sa lungsod.
Nauna nang isiniwalat Senador Panfilo Lacson na may ghost project sa Taguig bagay na pinabulaanan naman ni Cayetano. (Dindo Matining)


