Pinuri ni Mamamayang Liberal party-list Rep. Leila de Lima ang pagkakaloob ng absolute pardon kay Mary Jane Veloso.
“This is very welcome news, especially for Mary Jane Veloso and her family. Long-overdue freedom and justice,” sabi ni De Lima.
“We thank this administration for heeding our longstanding call, together with various human rights and OFW rights advocates, dating back to the efforts of the late President Noynoy Aquino to appeal to Indonesia to spare Mary Jane from execution,” dagdag pa ng solon.
Noong Biyernes inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinirmahan na nito ang pagbibigay ng absolute pardon kay Veloso na nakulong nang halos 15 taon mula nang siya ay arestuhin sa Indonesia bago siya ibinalik sa Pilipinas noong 2024.
“Hindi na maibabalik ang mahigit isa’t kalahating dekada na naipagkait sa kanya, pero tayo po ay nagpapasalamat sa pagkakataon na sa wakas ay makakapiling at makapagsisimulang muli si Mary Jane kasama ang kanyang pamilya,” sabi ni De Lima.
“Patuloy ang panawagan natin sa gobyerno na huwag basta-basta lang sumuko o itigil ang pagsisikap, at sa halip ay laging sagarin ang lahat ng makakaya, para iligtas at protektahan ang kapakanan ng ating mga OFWs,” dagdag pa ng mambabatas. (Billy Begas)


