WebClick Tracer

CICC: Publiko dapat may cyber hygiene

Hinimok ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang publiko na isaalang-alang ang tinatawag na “cyber hygiene” upang makaiwas sa mga panganib at krimen online.

Sa programang “The Commanders” ng Abante, sinabi ni CICC Executive Director Renato “Aboy” Paraiso na mahalagang malaman ng publiko na maaaring maging biktima ng cybercrime ang sinuman.

Dagdag niya, makakatulong kung maituturo na sa mga bata ang internet safety habang nasa murang edad.

Aniya, maaaring isama sa early school curriculum ang pagtuturo ng internet safety upang unti-unting matutunan ng mga kabataan ang tamang paggamit ng internet at magkaroon ng sapat na kaalaman habang sila ay lumalaki.

Samantala, sinabi ni Paraiso na maaaring humingi ng tulong ang mga nabiktima online sa pamamagitan ng CICC Hotline 1326.

Mayroon din umanong Action Center ang CICC na maaaring personal na puntahan ng mga biktima para humingi ng assistance.

Maaari ring magbigay ng kinakailangang tulong ang Philippine National Police (PNP).

Panoorin ang buong panayam kay Paraiso sa Setyembre 21 episode ng “The Commanders” sa Abante at simulcast sa Bilyonaryo News Channel.

Mapapanood ang programa ng alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, sa Free TV Channel 31, Cignal Channel 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TVs, Blast TV, AmasianTV, Cignal Play, at sa YouTube at Facebook accounts ng Abante.