Patuloy na makikilahok ang Senate minority bloc sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ayon kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.
“So far wala naman kaming indication na hindi mag-aattend. It’s our constitutional duty to be part of the impeachment court… at fairness ay napakaimportante,” pahayag ni Cayetano sa panayam ng mga reporter nitong Biyernes, Setyembre 25.
“Kung tatanungin ninyo kung nagluluksa pa kami, siyempre, kasi we really feel that kung may reinterpretation doon, dapat ang Supreme Court. And we think apektado ang fairness pagka sa gitna ng trial. Having said that, there’s a process. So far, wala pa namang pag-uusap na hindi magpa-participate,” dagdag niya.
Para kay Senate President Sherwin Gatchalian, wala naman siyang naulinigan tungkol sa tsismis na boboykotin ng minority group ang impeachment trial.
“Wala naman akong naririnig na ganyan. In fact, mga members of the minority nandito sa budget, nasa Commission on Appointment, so wala naman akong naririnig na ganyan,” ani Gatchalian.
Noong Miyerkoles, nagpasya ang Senate Impeachment Court na baguhin ang paraan ng pagkuwenta ng voting threshold para sa posibleng hatol sa bise presidente. (Dindo Matining)


