WebClick Tracer

Carlos Yulo sinungkit ika-2 ginto sa Asian Games!

Muling nagbigay ng karangalan sa Pilipinas si Filipino gymnast Carlos Yulo matapos masungkit ang kanyang ikalawang gold medal sa 2026 Asian Games sa Japan.

Naghari si Yulo sa men’s vault final nitong Biyernes (Sept. 25) matapos makapagtala ng iskor na 14.599 sa kanyang dalawang pagtatangka.

Pumangalawa kay Yulo si Mahdi Olfati ng Iran na may iskor na 14.533, habang bronze medal naman ang nasungkit ni Ka Ki Ng ng Hong Kong na may 14.116.

Nauna nang nakuha ni Yulo ang kanyang unang gold medal sa floor exercise noong Huwebes.

Dahil dito, dalawang gold medal na ang naiambag ni Yulo para sa Pilipinas sa 20th Aichi-Nagoya Asian Games.

May pagkakataon pa siyang madagdagan ang kanyang medalya dahil sasabak din siya sa parallel bars final ngayong araw. (IS)