WebClick Tracer

BSKE itinakda sa Nobyembre 13, 2028

Itinakda na sa Nobyembre 13, 2028 ang susunod na regular na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12326.

Sa naturang batas, ipinagpapaliban ang halalan na orihinal sanang gaganapin sa Nobyembre 2, 2026.

Nagtatakda rin ito ng limang taong termino para sa mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan.

Ibig sabihin, isasagawa na ang regular na BSKE kada limang taon, kada limang taon sa unang Lunes ng Nobyembre.

Hinikayat naman ni Marcos ang mga opisyal na higit na tutukan ang pangangailangan ng mga komunidad, pamilya, at kabataan.

“Hindi ito dagdag na panahon sa puwesto. Dagdag itong panahon ng pananagutan sa taumbayan,” pagbibigay-diin pa ng pangulo. (AM)