WebClick Tracer

Bong Revilla senior citizen na

Opisyal nang kabilang sa mga senior citizen si dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr. ngayong ipinagdiriwang niya ang kanyang ika-60 kaarawan.

Pinangunahan ng kanyang maybahay na si Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla ang pagbati sa kanya nitong Setyembre 25 sa pamamagitan ng social media.

Inilarawan ni Rep. Lani ang kanyang asawa bilang kanyang “mentor, partner at constant.”

“It’s a special day for the one who has given my life so much meaning. Through every challenge and every triumph, there’s no one I’d rather be with,” saad ni Rep. Lani sa kanyang mensahe.

Nagpaabot din siya ng panalangin at hiling ng kapayapaan at lakas para sa kanyang kabiyak sa bagong yugto ng buhay ng dating mambabatas.

“I’m grateful for all our years together and for the many more that are still ahead of us. May God continue to bless you with peace and strength as you celebrate your 60th birthday. I love you, Papa!” sey niya. (IS)