Nakalaya na mula sa Quezon City Jail ang kapatid ni Kim Chiu na si Lakam Chiu, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ito ay matapos payagang magpiyansa si Lakam ng P5.6 milyon, na itinakda ng Quezon City Regional Trial Court Branch 24.
Ayon kay BJMP spokesperson Jail Superintendent Jayrex Bustinera nitong Biyernes, nakalaya ang kapatid ni Kim bandang 5:32 ng hapon noong Setyembre 24.
Matatandaang naaresto si Lakam noong Setyembre 20 sa Mandaluyong City dahil sa warrant of arrest kaugnay ng 124 counts ng qualified theft. (AM)


