WebClick Tracer

Batas para sa pagpapaliban ng barangay, SK elections pirmado na ni PBBM

Muling pinalawig ang termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) matapos pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12326, na nagtatakda ng hanggang limang taong termino.

Sinabi ng Pangulo na ang dagdag na panahon para sa mga opisyal ng barangay ay dagdag na panunungkulan para maglingkod at dagdag na panahon ng pananagutan sa taumbayan.

Ang bilin ng Pangulo sa mga opisyal ng barangay, gamitin ang ibinigay na panahon upang mas pagbutihin ang pagseserbisyo, tapusin ang mga nasimulang programa at mas matutukan ang pangangailangan ng bawat komunidad, pamilya at kabataan.

Ipinaliwanag ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na nakita ng Pangulo at mga mambabatas kung gaano kahalaga sa ngayon ang papel ng mga barangay officials sa pagsugpo ng krimen at pagbawas sa epekto ng baha.

Binigyang-diin ni Castro na kung na-extend ang termino ng mga barangay officials, hindi ibig sabihin ay magiging hayahay sila sa pagtatrabaho. (Aileen Taliping)