Para sa political strategist na si Lito Banayo, posibleng magkaroon umano ng kapalit na benepisyo si Sen. Mark Villar dahil sa kanyang naging boto sa isyu ng conviction threshold sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa panayam sa “At the Forefront” ng Bilyonaryo News Channel, tinanong si Banayo kung sa tingin niya’y may basehan ang mga nagsasabing maaari itong humantong sa pag-dismiss o pagsuspinde sa mga kaso laban sa senador.
“I think suspended. You have Sword of Damocles over him, Chiz, Joel Villanueva, and maybe other people whether from majority or minority,” ani Banayo.
May mga criminal at administrative complaint na inihain ang Ombudsman laban kay Villar kaugnay ng PrimeWater.
Gayunman, sinabi ni Banayo na posible pa ring bumoto si Villar para sa acquittal o conviction ni Duterte sa impeachment trial, kahit nagbago na ang bilang ng mga boto na kailangan para sa conviction.
Panoorin ang buong panayam sa September 25 episode ng “At the Forefront”.
Mapapanood ang programa tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10:30 ng umaga sa Free TV Ch. 31, Cignal Ch. 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TVs, Blast TV, AmasianTV, Cignal Play, at sa YouTube and Facebook accounts ng BNC.


