WebClick Tracer

Bagyong Queenie hindi direktang makakaapekto sa ‘Pinas – PAGASA

Hindi inaasahang direktang makaaapekto sa lagay ng panahon sa Pilipinas ang Bagyong Queenie, ayon sa PAGASA nitong Biyernes.

Huling namataan ang tropical storm sa layong 1,065 kilometro silangan ng extreme Northern Luzon ito at kumikilos pa-hilagang-kanluran sa bilis na 20 kph.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 75 kph at bugso na hanggang 90 kph.

Wala namang nakataas na tropical cyclone wind signal sa bansa dahil kay Queenie.

Gayunman, inaasahang unti-unting lalakas ang bagyo at posibleng umabot sa typhoon category pagsapit ng Linggo.

Posibleng naman itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Linggo ng hapon o madaling-araw ng Lunes. (AM)