WebClick Tracer

Ambush kay Kim Chiu noong 2020 kinokonek ng netizens kay Lakam

Binalikan ng ilang netizens ang nangyaring ambush kay Kim Chiu noong 2020 matapos ang kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng kanyang kapatid na si Lakambini “Lakam” Chiu.

Sa social media, may ilang netizens ang nag-uugnay sa dating pananambang sa kasalukuyang legal battle ng magkapatid.

May ilan ding naghinala na maaaring may koneksiyon umano si Lakam sa insidente.

Gayunman, pawang espekulasyon lamang ito ng mga netizen dahil wala namang pahayag mula sa mga awtoridad na nag-uugnay kay Lakam sa ambush.

Muling pinag-usapan ang insidente matapos magsampa si Kim ng kasong qualified theft laban sa kanyang kapatid kaugnay ng umano’y hindi awtorisadong pagkuha ng nasa P44 milyon mula sa kanilang negosyo.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizen:

“Pag namatay si kim yung life insurance nya mapupunta sa pamilya kasi single sya kaya yan ang plano… teleserye lang hahah.”

“Ako din naisip ko na din yang dating ambush kay kim. Parang may connection yan.”

“Hhmmmm pwde nga ate nya ang may gawa nun… ay grabe if ever..”

Marso 4, 2020 ng umaga, pinagbabaril ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang van na sinasakyan ni Kim sa bahagi ng Katipunan Avenue corner C.P. Garcia Avenue sa Quezon City.

Hindi nasaktan ang aktres at ang kanyang mga kasama sa insidente.

Iba’t ibang anggulo ang sinuri noon ng mga awtoridad, kabilang ang posibilidad na mistaken identity ang nangyari. (IS)