Natapos na ang kampanya ni Alexandra Eala sa Singapore Open.
Ito ay matapos siyang matalo kay Tatiana Prozorova ng Russia sa second round, 6-4, 5-7, 3-6, noong Huwebes ng gabi sa OCBC Arena.
Tumagal ng 3 oras at 9 minuto ang laban bago nanaig ang World No. 180 na si Prozorova laban kay World No. 18 Eala.
Sunod na pupuntahan ni Eala ang Nagoya, Japan para sa 2026 Asian Games, kung saan sasabak siya sa singles at doubles kasama si Shaira Hope Rivera.
Ikalawang Asian Games na ito ni Eala matapos niyang mag-uwi ng ginto sa singles at mixed doubles noong 2022 sa Hangzhou, China. (AM)


