WebClick Tracer

Absolute pardon para kay Mary Jane Veloso pirmado na ni PBBM

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nilagdaan na niya ang absolute pardon para kay Mary Jane Veloso.

Ayon kay Marcos nitong Biyernes, Setyembre 25, nilagdaan niya ang pardon noong Huwebes.

“Pinirmahan ko na. Pinirmahan ko na yun pardon niya kahapon,” anang pangulo.

Ilang araw bago ang paglagda, kinumpirma ng Malacañang na seryosong pinag-iisipan ni Marcos ang pagbibigay ng absolute pardon kay Veloso dahil sa humanitarian grounds.

Ang pardon ay ilang buwan matapos mailipat si Veloso pabalik sa Pilipinas mula Indonesia, kung saan siya nakulong nang 15 taon matapos mahatulan noong 2010 dahil sa kasong drug trafficking.

Bago siya makabalik sa bansa, si Veloso ay nasa death row sa Indonesia. (AM)