Sa patuloy na pagtaas ng gastusin, inilunsad ng Valenzuela City Government ang TUGON o Tulong sa Umiigting na Gastusin at Obligasyon Natin, na naglalayong mag-alok ng mas abot-kayang pangunahing bilihin sa mga residente.
Sa pamamagitan ng TUGON Tulong Store, maaaring makabili ang mga pamilyang Valenzuelano ng mga pangunahing pangangailangan sa presyong mas kaya ng budget, habang pinananatili ang kalidad ng mga produkto.
Bukas ang TUGON Tulong Store sa lahat ng residente na nais makatipid sa kanilang pang-araw-araw na pamimili, magtungo lamang sa Valenzuela City People’s Park, sa September 25 – 26, 2026 ng alas 7 hanggang alas 4 ng hapon.
Layunin ng programa na makatulong sa mga pamilya na maibsan ang epekto ng tumataas na gastusin sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan. (Cherk Balagtas)


