Isang patunay na may “forever” sa totoong buhay ang ibinahagi ng singer-actress na si Ciara Sotto matapos niyang batiin ang kanyang mga magulang na sina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa para sa kanilang ika-57 anibersaryo.
Sa Facebook ibinahagi ni Ciara ang ilang larawan ng naging pagdiriwang nila, kung saan nakasuot ang kanyang ama ng suit at kurbata.
Naka-pink na kasuotan naman ang kanyang ina may bulaklak na disenyo.
Makikita pa rin sa mag-asawa na kahit matagal na silang nagsasama ay nananatili ang pagmamahalan at lambing nila sa isa’t isa.
Ipinakita rin ni Ciara ang espesyal na cake para sa naturang anibersaryo.
“Happy 57th Anniversary, Mimi and Tatay! ❤️🎂🌹🥹🤗 We love you so much!!!!😍😘❤️,” sabi ni Ciara sa kanyang post. (IS)


