Nagkaroon ng tensyon sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong Miyerkoles ng gabi matapos ireklamo ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang pagbabawal sa kanyang mga staff na kumuha ng larawan at video sa deliberasyon sa pambansang pondo.
Ayon kay Tiangco, naganap ang pagbabawal sa kanyang photographer at videographer na kumuha ng larawan at video noong September 22, 2026 kaya kinausap umano nito ang liderato ng Kamara na kinabibilangan ni House senior majority leader Lorenz Defensor.
“Ang sinite (cite) na rule doon sa ibinigay is conduct and dress code during sessions and committee hearings. To prevent, preserve order in the column, safeguard confidentiality and uphold the accuracy of the official record. The members, members ah, are strictly prohibited from doing the following during active plenary sections including breaks and suspensions and committee hearings,” ani Tiangco.
Ginawa umano ang nasabing rules upang maiwasan ang ‘Unofficial recording or taking of videos using personal electronic devices, unappropriate live streaming of any portion of the proceeding through social media platforms or online service at unofficial taking of photographs including selfies at osting real-time commentaries and images and content on social media that may disrupt, disrupt from and misrepresent the conduct of proceeding hearings.”
Dahil dito, humingi ng paglilinaw si Tiangco dahil ang tanging sakop ng nasabing rules ay mga miyembro lamang ng Kamara subalit ang mga staff.
“At ang sabi sa aking nun, unparliamentary yung ginagawa na nagbibidyo dito sa floor. And alam ko naman who they were referring to at the time. It was…they were referring to, ayaw na nilang maulit, yung ginagawa nung aking kaibigan na si Kiko Barzaga. At usapang lalaki noon, hindi ko kukuwetiyonin sa plenaryo. Yan ang usapan noon. That was the interpretation,” ani Tiangco.
Gayunpaman, ang ginagamit umano ang rules na ito sa kanyang mga staff gayung ang mga ito ay wala sa gitna ng plenaryo kundi nasa gallery lamang ang mga ito kaya napikitan ang mambabatas na kuwestiyonin ito sa sesyon ng Kamara.
“Tapos ngayon yan ang gagamitin sa staff ko ko saka videographer ko para bawalan. Ano to? Kahapon ayaw na ang papasukin. So wala na tayong freedom of speech dito, ganun bay un? So paano nangyari yun?,” ayon pa kay Tiangco.
Dahil dito, sinuspendi ni presiding speaker Janette Garin ang sesyon upang tanungin ang secretariate at pagbalik ay naglabas ito ng ruling na lahat ng mga congressional staff at papayagang kumuha ng video at picture hangga’t hindi nakakaistorbo ang mga ito sa plenaryo.
Matapos ito ay muling inurirat ni Tiangco ang isyu ukol sa paglilipat sa petsa sa pagtalakay sa budget ng Kongreso na unang itinakda sa September 24, subalit inilipat ito sa September 17, kaya walang nagtanong. (Bernard Taguinod)


