WebClick Tracer

Suspek sa South Cotabato school shooting nasakote ng NBI

Nasakote ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang indibidwal na sinasabing may kaugnayan sa naganap na pamamaril sa isang paaralan sa Banga, South Cotabato.

Inihayag ito ni NBI Director Melvin Matibag sa mga senador nitong Huwebes, Setyembre 24 sa pagdinig tungkol sa panukalang 2027 budget ng Department of Justice.

Ayon kay Matibag, naaresto ang naturang indibidwal noong Miyerkoles matapos makipag-ugnayan ang NBI sa paaralan.

“Yesterday we’re able to get hold of one of the individuals na somehow related to what happened in South Cotabato,” ani Matibag.

Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang NBI chief tungkol sa pagkakakilanlan ng indibidwal at kung ano ang eksaktong kaugnayan nito sa insidente.

Naganap ang pamamaril sa Banga National High School noong Setyembre 18 na ikinasawi ng tatlong estudyante, kabilang ang umano’y gunman. (IS)