Patuloy na pinapalawak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang access ng mga residente sa specialized healthcare services sa pamamagitan ng mga surgical procedure na isinasagawa sa pampublikong pagamutan.
Isinagawa ang screening at medical evaluation para sa mga pasyenteng maaaring sumailalim sa Rhinoplasty at Blepharoplasty sa Batangas Provincial Hospital.
Sinundan ito ng aktuwal na operasyon sa pangunguna ng mga healthcare professionals at katuwang ang Philippine Academy of Aesthetic Surgery.
Sa pamamagitan ng masusing screening, natukoy ang mga pasyenteng kwalipikado at nangangailangan ng naturang surgical procedures.
Ang Rhinoplasty at Blepharoplasty ay mga specialized surgical procedure na maaaring isagawa para sa ilang medical o functional concerns, depende sa pagsusuri ng mga kwalipikadong doktor.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, bahagi ito ng patuloy na pagsisikap na mapalawak ang access ng mga Batangueño sa specialized surgical care sa loob mismo ng pampublikong health facilities. (Ronilo Dagos)


