WebClick Tracer

Romualdez hindi pa naghahain ng petition for bail – Sandiganbayan

Hindi pa naghahain ng petition for bail si dating Speaker Martin Romualdez, ayon sa Sandiganbayan Third Division nitong Huwebes.

Kasalukuyang nakadetine si Romualdez sa Quezon City Jail kaugnay ng P7.4 bilyong plunder case na may kinalaman sa flood control scandal.

Matatandaang sinabi ng kampo ng dating Speaker na maghahain sila ng petisyon upang makapaglagak ito ng piyansa.

Samantala, nakatakda ang pre-trial sa kaso ni Romualdez sa Biyernes.

Nauna na siyang naghain ng not guilty plea matapos dumalo sa kanyang arraignment sa pamamagitan ng teleconference.

Noong Setyembre 7, naaresto si Romualdez sa isang pribadong ospital sa San Juan kung saan siya naka-confine dahil sa ilang karamdaman, bago inilipat sa Philippine General Hospital (PGH) at sumailalim sa independent medical examination.

Inilipat naman siya sa naturang kulungan matapos ihayag ng PGH na hindi na niya kailangang manatiling naka-confine. (AC)