WebClick Tracer

Romualdez dadalo sa pretrial via videoconference

Martin Romualdez, pinabulaanan ang mga alegasyon sa pagkakasangkot sa umano’y flood control scam.

Pinayagan ng Sandiganbayan si dating House Speaker Martin Romualdez na dumalo sa pretrial ng kinakaharap niyang plunder case sa pamamagitan ng videoconference.

Ayon kay Dennis Pulma, clerk of court ng Sandiganbayan Third Division, pinagbigyan ng korte ang mosyon ni Romualdez na makadalo sa pretrial sa pamamagitan ng videoconference sa Biyernes, Setyembre 25.

Sinabi rin ni Pulma na hindi pa naghahain ng petition for bail ang kampo ni Romualdez.

Posible umanong mapag-usapan ang tungkol sa piyansa sa pretrial.

Nitong Setyembre 16, nagpasok ng not guilty plea si Romualdez sa pamamagitan din ng videoconference.

Nahaharap si Romualdez at tatlo pang akusado sa kasong plunder kaugnay ng umano’y P7.44 bilyong kickback mula sa mga flood control project. (IS)