Pawang magagaling ang lahat ng mga mahistrado na kuwalipikadong maging kandidato para sa susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema.
Ito ang inihayag ng Malacañang kasunod ng nalalapit na pagreretiro ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa Nobyembre 6.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, walang itinakdang pamantayan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpili ng susunod na chief justice dahil lahat aniya ng mga kuwalipikadong mahistrado ay pawang magagaling.
Sinabi ni Castro na hintayin na lamang ang kalalabasan ng screening ng mga aplikante para sa susunod na chief justice dahil wala pang shortlist na nakarating sa tanggapan ng Pangulo.
Sa Oktubre 13 ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon at ang Judicial and Bar Council ang mangangasiwa sa vetting at interviews para makabuo ng shortlist na isusumite kay Pangulong Marcos Jr. (Aileen Taliping)


