WebClick Tracer

PBBM dumalaw sa burol ni Quirino Governor Dax Cua

Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa burol ni pumanaw na Quirino Governor Dax Cua sa Heritage Memorial Park.

Personal na nakiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamilya ng pumanaw na gobernador ng Quirino na si Dax Cua sa burol nito sa Heritage Memorial Park sa Taguig City noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ng Pangulo ang mga makabuluhang kontribusyon ni Cua sa gobyerno at serbisyo publiko at magsisilbi aniyang legasiya niya ito sa mga taga-Quirino.

Si Cua ay pumanaw sa edad na 48.

Nagsimula sa politika si Cua sa edad na 23 bilang pinakabatang vice governor ng Quirino, naging gobernador at kongresista.

Naging presidente rin si Cua ng Union of Local Authorities of the Philippines, national chairperson ng League of Provinces of the Philippines at presidente ng United Cities and Local Governments Asia-Pacific. (Aileen Taliping)