WebClick Tracer

Pagbago sa impeachment voting threshold, kinuwestiyon sa SC

Dinala sa Korte Suprema ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez ang usapin sa bagong ruling ng Senate impeachment court tungkol sa bilang ng boto na kailangan para ma-convict si Vice President Sara Duterte.

Sa kanyang petisyon, hiniling ni Rodriguez na ideklarang walang bisa ang ruling ng impeachment court na nag-alis sa dating fixed na 16 boto bilang requirement para sa conviction.

Sa bagong ruling, ang pagbabasehan ng two-thirds vote ay ang mga senador na legal at aktuwal na maaaring lumahok sa proceedings.

Sa kanyang petisyon, sinabi ni Rodriguez na ang impeachment court ay nakagawa ng grave abuse of discretion.

Hiniling din ni Rodriguez sa Korte Suprema na maglabas ng temporary restraining order at/o writ of preliminary injunction upang pansamantalang mapigilan ang pagpapatupad ng naturang ruling.