WebClick Tracer

NBI nakahuli ng expired na manok na hinugasan ng formalin saka ibebenta

Nakahuli umano ang National Bureau of Investigation (NBI) ng mga expired na manok na galing sa China at ibinebenta sa Pilipinas.

Ibinunyag ito ni NBI Director Melvin Matibag sa pagdinig ng Senado sa panukalang 2027 budget ng Department of Justice nitong Huwebes, Setyembre 24.

Kinumpirma ni Matibag kay Senador Kiko Pangilinan na binibili umano ng sindikato ang mga manok na lagpas na sa shelflife sa murang halaga o “salvage value” dahil hindi na ito ligtas para sa konsumo ng tao.

Pagkatapos ay dadalhin umano ang mga ito sa bodega ng mga sangkot sa operasyon.

Doon, hinuhugasan umano ng formalin ang mga manok upang mawala ang amoy at itsura ng pagkasira at saka ibebenta sa mga palengke.

“‘Yun lang po ‘yung kahuhuli namin the other day. Salvage na po ‘yung manok, hinugasan. Nahuli po namin,” ani Matibag.

Ayon pa sa NBI chief, nasa P120 ang bentahan ng mga naturang manok.

“Sa Facebook pa po ginagamit,” dagdag ni Matibag. (IS)