Ibinunyag ng showbiz insider na si Ogie Diaz ang sinabi umano ni Lakambini “Lakam” Chiu sa common friend nila kaugnay ng kasong isinampa ng kapatid na si Kim Chiu.
Sa “Showbiz Update”, ibinahagi ni Ogie na nasabi raw ni Lakam na, “Sana hindi na lang ako binuhay ni Kim Chiu.”
Ayon kay Ogie, maaaring nasambit ito ni Lakam dahil sa nararamdaman nitong pagkakagipit sa kasong kinakaharap niya.
“Mayroon akong common friend namin ni Lakam ang nagsabi, na sinabi ni Lakam na, ‘Sana hindi na lang ako binuhay ni Kim Chiu’,” ani Diaz.
“Kasi ‘di ba kung matatandaan natin, binuhay siya ni Kim Chiu, si Lakam. Nagkasakit siya, meningitis ba ‘yun? Parang nasambit ‘yun ni Lakam kasi naramdaman ni Lakam na parang ginigipit na siya or nagigipit na siya. Kaya nasambit daw ni Lakam na ‘Sana hindi na lang ako binuhay ni Kim’,” dagdag pa niya.
Nahaharap si Lakam sa 124 counts ng qualified theft na isinampa ni Kim laban sa kanya.
Dahil umano ito sa hindi awtorisadong pag-withdraw at pagkuha ng nasa P44.4 milyon mula sa pondo ng kanilang negosyo.
Habang isinusulat ito’y nangangalap pa ang pamilya ni Lakam ng perang pampiyansa sa kanya, na P5.6 milyon.
Matatandaang noong 2023, na-comatose si Lakam dahil sa malubhang bacterial meningitis, at buong puso siyang sinuportahan, inalagaan at ipinagdasal ng kanyang kapatid na si Kim. (IS)


