Pumunta ang aktres at TV host na si Kim Chiu sa arraignment ng kapatid niyang si Lakambini “Lakam” Chiu nitong Huwebes, Setyembre 24.
Isinagawa ang arraignment sa Quezon City Hall of Justice kaugnay ng 124 counts ng qualified theft na isinampa ni Kim laban sa kanyang kapatid.
Sa video na ibinahagi ng ABS-CBN News, makikitang kasama ni Kim si Laurenti Dyogi, ang head ng Star Magic na nagma-manage sa career ng aktres.
Ang kaso ay may kaugnayan sa mga financial discrepancy na natuklasan sa kanilang negosyo.
Kamakailan ay nanawagan ng tulong ang pamilya ni Lakam upang makalikom ng pondo para sa kanyang piyansa.
Binawasan ng korte ng P200,000 ang naunang itinakdang P5.8 milyong piyansa, kaya umabot na lamang ito sa P5.6 milyon. (IS)


