Pumanaw sa pamamagitan ng euthanasia ang French actor at director na si Arnaud Denis sa edad na 43.
Isinagawa ang euthanasia sa Belgium nitong Setyembre 22.
Ayon sa kanyang abogado na si Philippe Courtois, napagdesisyunan ni Denis ang euthanasia matapos konsultahin ang tatlong doktor sa Namur.
Matindi umano ang naging epekto sa katawan ng aktor matapos sumailalim sa polypropylene mesh implant noong Hulyo 2023 dahil sa right groin hernia.
Nagdulot umano ang operasyon ng maraming side effect, na siyang nagtulak sa aktor na ipatanggal na ang implant sa Estados Unidos noong Abril 2024.
Kalaunan, na-diagnose si Denis ng myalgic encephalomyelitis in the context of ASIA syndrome, isang chronic immune at inflammatory reaction dulot ng matagal na pagkakalantad sa external adjuvant substance.
Hindi na umano kayang tiisin ni Denis ang matinding sakit na kanyang nararanasan sa loob ng maraming buwan.
Bago siya pumanaw, inamin ni Denis sa isang panayam noong unang bahagi ng 2026 na hindi na niya kayang umalis ng bahay at wala na siyang normal na buhay dahil sa kanyang kondisyon.
“It is getting worse and worse. I live like a cancer patient in the terminal phase. The doctors have nothing left to offer me,” saad niya. (IS)


