WebClick Tracer

FL Liza Marcos nagpatawa sa photo op sa US envoy

Nagkaroon ng light moment sina First Lady Liza Araneta-Marcos at US Ambassador Lee Lipton sa isang photo opportunity sa ginanap na launching ng booklet na naglalaman ng mahahalagang kaganapan sa relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sa naturang photo op, tumuntong sa riser si FL Liza para kahit papaano’y pumantay sa height ng US envoy na matangkad sa kanya.

Napatawa ng Unang Ginang ang mga dumalo sa event habang nagpo-pose sila ng US ambassador sa mga camera. (IS)